KAHALAGAHAN NG WIKANG PAMBANSA
Tuwing Agosto ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika sa buong Pilipinas. Ngayong taon ay may temang Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino.
Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap niya sa kapwa kundi ginagamit din niya upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang kanyang iba't ibang opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kanyang kapaligiran at higit lalo na sa kanyang bansa.
Sa paglipas ng panahon, mapatutunayan na ang wika ang siyang pinakamahalagang sandata upang maiparating ng isang bansa sa kanyang mga mamamayan ang mga pangyayari, kasaysayan, at bahagi ng ekonomiya nito.
Gayundin naman na ang wika ang siyang sentro ng mga mamamayan upang maihugos sa kanilang pamahalaan ang kanilang mga hinaing.
Naipadarama ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang sariling wika ang kasidhian ng kanyang damdamin, anglalim ng kanyang pagkatao, ang katangian ng kanyang nginagalawang kapaligiran, ang lawak ng kanyang kultura at sining, ang kabihasaan niya sa anumang larangan at ang katotohanan ng kanyang pag-iral.
Sa kabuuan, ang wika ang nagsisilbing kaparaanan upang maging isang ganap na tao ang isang tao at maging isang ganap na bansa ang isang bansa.
https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fwww.goodnewspilipinas.com%2Fwp-content%2Fuploads%2F2019%2F08%2F66228281_1206504286187334_5244172617652371456_n.png&imgrefurl=https%3A%2F%2Fwww.goodnewspilipinas.com%2Fways-to-celebrate-buwan-ng-wikang-pambansa-2019%2F&docid=VuTfNL70rJCatM&tbnid=39A0KGlOOmG51M%3A&vet=10ahUKEwiomOSulLTkAhUZ7WEKHW18DeMQMwh4KAAwAA..i&w=851&h=315&bih=876&biw=1821&q=buwan%20ng%20wika&ved=0ahUKEwiomOSulLTkAhUZ7WEKHW18DeMQMwh4KAAwAA&iact=mrc&uact=8
Comments
Post a Comment